Idinadaan na lang sa pagbibiro ni Presidential Anti- Smuggling Group Chief- Usec. Antonio ‘Bebot’ Villar ang problemeng kinakaharap ng ahensya.
Ani Villar, sa buong buhay nya ngayon lang nya naranasan ang ganitong uri ng matinding harassment sa trabaho kung saan ang dapat magpakulong ay sya pang nais ikulong.
Na ang kriminal pa ang syang nagdedemanda sa mga tagahuli ng kriminal.
Matatandaan na nag ugat ang problema ng magdemanda sa korte ang bigtime jewelry smuggler laban sa grupo niĀ Usec. Villar at PASG dahil umano sa pagre-raid ng walang sapat na dokumento.
Ayon pa kay Villar, ang kanilang nahuling smuggler ay bilyon-bilyong piso na ang atrasong buwis sa pamahalaan ng Pilipinas dahil sa ilang taon na nitong pag-ooperate ng smuggled big-time jewelries.
Suportado naman si Usec. Villar ng ilang matataas na opisyal ng Pangasinan tulad ni 5th District Congressman Mark Cojuangco, Sison Mayor Kimi Cojuangco,Urdaneta Mayor Amadeo Perez, Bayambang Mayor Ric Camacho lalo na sa pagsugpo sa smuggled na bawang at sibuyas na syang nagpapahirap sa buhay ng mga magsisibuyas.


